Bagong Taon: Bagong pag-asa

            Bawat Desyembre 31 ng hating gabi ay sumasalubong ng bagong taon ang mga tao na may saya at pag-asa sa kanilang mga mukha na dinidiriwang ang bagong taon. Kong saan dito ay marami ang handaan , mga tawanan at pagsasama-sama ng mga pamilya maging mga kakilala sa hapag kainan. Isinisilibra ito bilang simbolo ng pasasalamat dahil umabot pa ng ibang taong ang buhay ng bawat isa, dahil mayroon kasing iba na hindi pinalad na umabot pa ang kanilang buhay ng ibang taon. Ang bagong taon ay hindi lamang  bumabasi sa mga handaan , ito din ay nag sisilbing isang pagkakataon  para sa mga tao na baguhin ang mga kamaliang nagawa  noong nakaraan. Ang bawat  taon ay may mga bagong simula , sakabila ng mga pagsubok at kalungkotan. Hindi dahil sa nag kamali ka ay hindi na pweding mabago ang lahat  . May roon paring malaking pag-asa upang mabago ito.

 

Nasa bahay  kami ng mga kapatid ko noong gabing iyon. habang sila ay abala pa sa paghahanda  ng mga pagkain para sa pagsalubong ng bagong taon , ako naman ay abala rin sa paghahanda  ng mga prutas na bilog , dahil sabi nga ng mga nakakatanda ito ay sumisimbolo ng swerte at kasaganahan sa buhay. Nararamdaman ko talaga na punong-puno ng masisiglang buhay ang gabing iyon. Nakikita korin sa mga mukha ng mga tao  na talagang masayang-masaya sila , at puno ng sigla ang kanilang mga mata dala ng kasabikan. Ang gabing iyon  ay isa sa mga pagdiriwang na matagal ko nang hinihintay, at higit pa rito, isang pagdiriwang ng bagong simula.

 

Para sa akin ang bagong taon ay parang isang blangkong puting papel , na maari mong punuin nang mga pagkakataon, mga bagong memorya at pag-asa sa buhay . Na sa kabila nang mga problema, maging kabiguan at maging ang pagkatalo ng nakaraan ay mayroon itong mga mapupulutang aral na kasunod. Na  maaaring tumatak sa bawat isipan natin. Marami akong mga plano na gustong gawin at maging mga  pangarap na gustong-gusto kong matupad sa taon na ito. Na pwedi kong gawing inspirasyon at gabay sa bawat kong pag hakbang patungo sa pagbabago. Hindi ko pa alam kong ano ang hinaharap , ngunit alam ko na ang pinakamahalaga sa lahat ay mag simula ng may tapang at pagnanasa. Kailangan rin dito ang pagsisikap para sa mas magaan na kinabukasang naghihintay.

 

              Alam naman natin na mayroong  mga pagkakataon na punong-puno tayo ng kasiyahan , ngunit atin paring iisipin na may roon itong mga pag-subok na kasunod  na pweding gumiba sa ating mga kasiyahan. Gaya na lamang ng mga pagsubok na akala natin na hindi natin malalampasan , mga pagsubok na mabigat sa ating kaluoban , ngunit ating paring tatandaan na kaya natin ito kasabay ng pananalig sa buong maykapal  upang tayo ay magabayan. Ang  bawat isa sa atin ay may kanya kanyang istorya at mga problema sa buhay. Kagaya na lamang nang aking kakilala . Siya ay punong-puno ng dipresyon dahil palagi syang inaaway nang kanyang asawa. Kapag umuowi sya galling trabahu ay inaaway sya nito. Isang gabi noong inaway sya nang kanyang asawa ay tinangka niyang magpakamatay gamit ang lubid. Narinig nang kaniyang asawa na may parang sumigaw , at noong tiningnan nya ito ay nakita nya na itong naka bitin , kong kayat agad nyang pinutol ang lubid. Kong kayat naligtas ang buhay nito.

 

Mula noon ay hindi nya na ito inaway, at ngayon ay masayang-masaya na sila nagsama at sabay nilang  idiniriwang ang bagong taon. Nabigyan ng bagong pag-asa ang kanilang pagsasama at nabuhayang muli ang kanilang relasyon. Kaya laginating tatandaan na kahit anong hirap ang ating madaanan ay kayang-kaya at malalampasan natin ito.   

 

Ang bawat taon ay hindi laging perpekto . magkakaroon tayo ng mga pagsubok , ngunit sa kabila ng lahat nang iyon , ang bagong taon ay nagsisilbing  paalala na dapat tayong lumaban . Ang bawat pagkatalo ,tagumpay at maging pagkakamali ay nagiging bahagi ng ating kwento , at sa bawat hakbang na ating tatahakin , mas magiging malakas tayo, masmatatag, at mas handa sa kahit anumang hirap na hamon ang darating.  

 

              Habang ang mga hiyaw ng mga mga tao , mga tunog ng mga paputok ay unti-unting humihina , at maging kalangitan ay unti-unti nang lumiliwanag , malaki ang aking pasasalamat dahil marami akong natututunan. Na ang pinakamahalagang bahagi ng bagong taon ay hindi lamang  ang mga plano at layunin , kundi ang pagtanggap  sa ating sarili  , at sa ating mga karanasan. Ang bawat simula ng bagong taon ay nagbibigay ng kakaibang saya at pananabik. Para itong malinis na pahina na kong saan maari nanting isulat ang ating mga bagong pangarap , mga layunin , at  maging ang ating kwento .

 

Ang “Bagong Pag-asa” ay hindi nangangahulogang maghintay ng mga milagro lamang. Sa halip ay isang paalala na manampalataya rin tayo, at samahan ng determinasyon . Dahil ang bawat araw ay may roon itong dalang oportunidad para baguhin ang ating sarili , at harapin ang bawat sitwasyon. Huwag tayong matakot na  magbago. Dahil ang pagbabago ay bahagi ng ating pag-unlad. Mahirap man sa simula ngunit nararapat itong gawin upang tayo ay magkaroon ng mas maganda at mas makulay na buhay. Dapat din na punuin natin ang ating mga sarili sa mga positibong bagay , dahil ito ay nakakatulong  upang maabot natin ang ating mga pangarap. Piliin natin yung mga taong nagbibigay sa atin ng lakas nang loob, at iwasan ang mga taong nanghihila sa atin pababa.

 

Atin ring tatandaan na ang buhay ay parang isang libro, na sa bawat taon ay isang bagong pahina.  Ngunit ang pinakamahalaga  ay kong paano natin pupunuin ang bawat pahina nito. Ngayung taon ay simulan natin ang ating kwento na may tagumpay at pag-asa. Huwag nating kakalimutan na kahit anong mangyari ay mayroon pang bukas na darating , huwag tayong mag madali sa ating mga disiyon sa buhay,  dahil ang pagmamadali ay nagdudulot ng kapahamakan sa atin. Minsan ito ay nagiging sanhi kong bakit mayroong ibang tao na hindi na naabutan ng ibapang taon dahil sila ay nagpapakamatay daahil sa kanilang ginawang mga maling disisyon sa buhay. Dapat mag isip ng  mabuti  bago ito diriktang gawin. Maligayang bagong taon, at sana ang mensahing ito ay mapupulutan ninyo ng mga aral.

 

    

Comments

Post a Comment